HOPE AND JOY DURING COVID

THERE IS HOPE!!! Isang nakakatuwang maghapong nakababad suot ang isang napakainit na suit kung tawagin ay PPE. I was assigned in an area wherein all patients tested positive in COVID. It is a lucky duty despite of the situation that we are facing. Here is the story. Mahilig akong makipagchikahan sa patient kahit before pa. Habang kumukuha ng vital signs nila, ngbbgay ng meds inaalam ang kanilang kwento. During my morning shift, habang kinukuha ko ang vital signs i did my usual routine. Chikahan, at kinakmusta ko sila to build rapport and just to extend and express my comfort in this difficult time. We have 8 patients na benign naman, but these 8 patients made a significant impact to me. 1. Px A, Mahiyain. di ata ako nagtagumpay makuha ang kiliti nya. 2. Px B, napakaenergetic nya. Nagpapakitang gilas. Todo exercise xa, para daw makita namin n bumabalik n ang sigla nya. Sabi pa nya, feeling ko bumabalik na ng 80% ang aking sigla. 3. Px C, frontliner. Kung pede lang tumulo ang luha baka nagawa ko na. kaso masakit sa mata. hahaha. Dahil isa din xang frontliner, alam nya ang sitwasyon. nung sinabi nya na "'Mam, laban lang ha. Walang susuko ha". Ang sarap tumakbo pabalik ng station at umiyak. Pero naalala ko nakaPPE pala ako. hahaha. Promising itong si patient na to. 4. Px D. Sya naman ang laging nagyayang kumain sa mga naging friends na nya. Sya ang naguunite sa lahat at nagveverbalize kung may need ang isa. 5. Px E. Sya naman ang sumisimbolo ng characteristic ng isang Pilipino. Pasyente xa, peri inaalala din nya ang naiwan nyang pamilya. 6. Px F. Isang masayahing pasyente na kahit tinutusukan ko xa dahil kukuhanan ng dugo para mamonitor ang kanyang blood sugar, masaya nyang iniaabot ang kanyang kamay. Sabi pa nya, tusukan time na.. hahaha. Cool! 7. Px G. Tahimik ngunit naramdaman ko ang kanyang presensya. Nung una akala ko, tahimik lang xa. Pero di naglaon lagi na xang nagkukwento. Nung una ipinagmalaki nya na isa syang cyclist nung kabataan nya. Pinagmalaki nya ang build ng kanyabg katwan. Habang tumatagal naintriga ako sa dati nyang trabaho nakita ko kasi ang gawang letter ng kanyang mga apo. At kapansin pansin ang larawan nya na gawa ng kanyang mga apo. Binibiro ko sya. Pero ayaw nyang sabhn ang kanyang dating propesyon. Bago matapos ang aking duty, kinalabit nya ako at tinuruan ako ng kg and mass depends sa altitude. Hahaha. Natatawa ako kay tatay feeling ko may exam. sa isip isip ko tay, Wag po ngaun.. hahaha. Pero napahanga talaga ako dahil napaka Humble nya. 8. Px H. Isang masiglang pasyente at wala sa bakas nya na may pinagdaanan xang malalang kondisyon. Habang binabasa ang kanyang chart, ako ay namangha sa kanya. Hindi ko akalain na nalagpasan nya ang napakahirap na sitwasyon. Halos yakapin ko xa ng malaman ko ang naging sitwasyon. Masaya din nyang pinapakita ang kanyang naging laban. It is indeed, There is Hope! There is a light of Jesus from each one of us. Serving and sacrificing. Providing service for them is also a sacrificial act for our own's health. ..But looking for light and joy in this difficult time can give more fulfillment, which give us a grateful heart. #HEisRisen #ChristShinesInTheMidstOfHealthCrisis #FindingJoy #FindingHope

Share:

0 (mga) komento